Monday, January 30, 2012

Ang Pilosopiya ko sa GIRL FRIEND Ni: PIN-DET Orihinal at Bawal I COPY PASTE

Ang Girl friend ay isang pag kakaroon ng llalki ng isang malalim na relasyon sa kasalungat niyang kasarian. Iyon ay ayon sa KUMPARE KONG SI GOOGLE…. Pero sa akin, “ang girl friend ay isang Tukso na nilikha ng Puso para umibig… o Ung tukso na NILIKHA NG BABAE para magkaroon ng UTUSAN, TAGA LIBRE, TAGA GAWA NG PROJECT, TAGA SUNDO o sa madaling salita SERVICE, TAGA BUHAT NG BAG at ang higit sa lahat GASTOS NG LOAD. Baka naman magreact ang mga BABAENG nagbabasa ng blog ko at bukas Makita ko sila paggising ko sa tapat ng bahay at MAGWELGA laban sakin hehehe J wag naman sana. PERO pwede rin na ang girl friend ay ISANG medal ng mukhang ASONG BOYFRIEND para mapagmalaki na TULI na siya at ehem… meron na siyang naano… na KWAN… ano nga ulit Yun ahhh Yun NAPASAGOT!!! Na babae na ipinagmamalaki niya sa kapwa Niya FEELING POGI sabay Kiss sa kanyang Muscle.

Una, kaya ko naisipang magsulat ng GANITONG BLOG ay dahil nung Martes ng alas dos quarenta’y otso ng hapon habang tirik ang araw sa petsang ENERO 24, 2012 sa kahabaan ng court sa tapat ng palamigan. Habang umiinom kami ng palamig ay natanong  ko siya tungkol sa kaibigan naming si TUTUTT…(hindi  na binanggit ang pangalan sa kapakanan ng kaligtasan na UNDERIN siya ng GIRLFRIEND NIYA, Ng nasabing tutut).

CIRNEZ: ahh si tutut? Nandun sa GIRL FRIEND nya, alam mo naman ang pag nagka girlfriend ka na lagi kang nakabuntot.

Nagpatuloy ang mainit naming talakayan at ibinahagi niya sa akin ang kanyang mga pananaw tungkol sa girlfriend.

CIRNEZ: alam mo pag may girlfriend ka na:
·         Lagi mong susunduin/ihahatid
·         Sasaki tang ulo mo kakaisip ng pang regalo mo sa MONTH-SARY
·         At ang malupet ipunin mo pa ang baon mo para ka makabili ng magandang regalo
·         At isa pa ang IMPORTANTE SA LAHAT GASTOS LANG UN!!!

Nagpalitan kami ng mga opinion at sa kamalasan ng maganda naming pag uusap naghiwalay na kami ng daaan ( ano to BLIND ITEM? Hahaha J ).







            Oo nga, meron tayong iba-ibang paraaan at istilong gagawin para sa ating kasintahan… ano nga naman ang paki alam ng iba sa FILIPINO STYLE? Kanya kanya ng trip…

            Kaya isa lang ang maiiwan kong salita para sa mga love birds, love pigs, sa mga nagtatawagan ng KUNG ano ano,sa mga couples, sa mga nagmamahalan mapa lalaki man o bakla kapwa babae man o kapwa HAYOP…..


            “ Ang relasyon parang alak… habang tumatagal lalong sumasarap…sa sobrang sarap nakakaumay, napapatikim sa iba AYUN! Nauwi sa BREAK UP at magpapatugtug ng MOMENT OF TRUTH habang umiiyak at minumura ang kausap na picture ng dati niyang boy friend…”